top of page

National Heroes Day

Ngayong ika-29 na araw ng Agosto, sabay-sabay nating bigyang-pugay ang ating mga bayaning nagpamalas ng kanilang kagitingan sa pag-abot ng kasarinlan ng Pilipinas. Hindi nila inalintana ang pansariling kapakanan at interes sa kabila ng lahat ng tuksong nakapaligid sa kanila. Ika-nga ng isa sa mga pinakamakabuluhang linya sa pelikulang Heneral Luna, “Bayan muna bago sarili.”

Binibigyang parangal din sa araw na ito ang ating mga kababayang OFW dahil sa kanilang pagpupursigi na mapabuti ang ekonomiya ng bansa mawalay man sila sa kanilang mga mahal sa buhay. Para rin ito sa bawat mamamayang Pilipino na kumakatawan sa pagiging isang “bayani”—tunay, tapat, at mapagmahal sa bayan.

Laging tatandaan na hindi sapat na matapang o magiting ka upang maging isang bayani. Sama-sama nating paglingkuran ang ating bayan! Maligayang Araw ng mga Bayani!


Featured Posts
Recent Posts
Archive
Search By Tags
No tags yet.
Follow Us
  • Facebook Basic Square
  • Twitter Basic Square
  • Google+ Basic Square
bottom of page