top of page

Buwan ng Wika - Rosas Pandan

Ginagamit ang wika upang maipahayag ang ating mga saloobin, ngunit makikita't makikita sa ating mga kilos ang mga tunay nating naiisip at nararamdaman.

Narito ang isang interpretasyon ng UP Manila Chorale ng awiting "Rosas Pandan" (isinaayos para sa koro ni George G. Hernandez) mula sa kanilang pagtatanghal sa Kosice, Slovakia noong Talindaw 2015 Tour.

Ang "Rosas Pandan" ay tungkol sa isang magandang dalagang taga-bukid na naghandog ng balitaw (awiting may kasamang sayaw) sa isang pagdiriwang. Ang kanyang pagmamahal sa musika ang siyang bumihag sa puso ng isang nanonood na binatilyo. Mula sa komposisyon ni Minggoy Abagon Lopez at titik ni Levi Celerio, ang Bisayang awiting ito ay isa sa mga kanta sa album ni Pilita Corrales na “Philippine Love Songs, Vol. 1.” na isinapubliko noong 1973.


Featured Posts
Recent Posts
Archive
Search By Tags
No tags yet.
Follow Us
  • Facebook Basic Square
  • Twitter Basic Square
  • Google+ Basic Square
bottom of page