top of page

Buwan ng Wika - Talindaw

“Malakas ang hangin...pagsagwa'y pagbutihin!"

Ang Talindaw ay isang awiting pamamangka. Sinisimbolo nito ang pagiging masigasig sa paglalayag ng mga bangkero kahit pa sa kabila ng malakas na alon at bugso ng hangin.

Tulad ng mga bangkero, hinarap ng UP Manila Chorale ang mga alon at naglayon ng matagumpay na paglalayag nang tumungo ito sa Europa nito lamang nakaraang taon. Ginamit nila ang salitang “talindaw” upang ipaalala ang mainam na pagsagwan pagdating sa larangan ng musika lalo na't noong makilahok ito sa ilang mga natatanging patimpalak. Hindi naman nabigo ang koro sapagkat nag-uwi ito ng samu't saring parangal at pagkilala gaya ng unang gantimpla sa 61st Certamen Internacional de Habaneras y Polifonia 2015 na ginanap sa Torrevieja. Bukod pa rito, nakamit rin nila ang ikalawang pwesto sa Folk Category at ikatlong puwesto sa Mixed Choir Category sa ginanap na 33rd Festival Internacional de Musica de Cantonigros sa Vic.


Featured Posts
Recent Posts
Archive
Search By Tags
No tags yet.
Follow Us
  • Facebook Basic Square
  • Twitter Basic Square
  • Google+ Basic Square
bottom of page