Buwan ng Wika
Sa paggunita ng ating Buwan ng Wika, inihahandog ng UP Manila Chorale ang kanilang natatanging bersyon ng awitin na pinamagatang Glong-ngo Ko na inareglo ni Eudenice Palaruan na itinanghal noong Mayo 2013 sa International Chamber Choir Competition sa Marktoberdorf, Germany.
Pinagsama-sama rito ang iba’t ibang wika mula sa Luzon, Visayas at Mindanao gaya ng Diangan, Cebuano, at Tagalog. Binigyang-kulay rin ito ng lokal na instrumentong tinatawag ng kubing o Jew’s harp. Sa pagtatapos ng kanta, maririnig ang koro na umaawit ng “Purihin si Yahweh!”, na sumisimbolo sa ating pagpupuri at pagpupugay sa Panginoon.
Salamat sa Marktoberdorf International Chamber Choir Competition para sa bidyo.